Tuesday, June 02, 2009

Paano ba magmahal ang siopao?

Siguro maraming nagtataka kung bakit madalas ako mag post ng mga "cheesy" na lines tulad ng "Ikaw ha naglakwatsa ka na naman, pati sa panaginip ko nakakarating ka" at pati yung banat na "Aanhin mo pa ang bahay niyo kung nakatira ka na sa puso ko?" Ang korny di ba? hehehe pero hindi natin maiiwasan maging korny kapag in-love ka...Pero kanino ba? Maraming nagtatanong sa Facebook at plurk kung para kanino yang mga banat na yan, hindi ko sila masisisi kasi noon ang lagi nila nababasa sa akin eh puro kadramahan, "emo king" nga tawag ni Odang (acad head ng info) sakin eh, pero mabalik tayo, para kanino nga ba yang mga hayup na pick-up lines na yan? Sino ba nakakapag pasaya sa akin at nagagawa ko yang kahindik hindik at karumaldumal na bagay na yan? Pero bago ko sabihin yan (syempre bibitinin muna kita) ilan na nga ba minahal kong babae? Yung seryoso ha..kung alam mo ang sagot i-text lang sa SIOPAO(space)ANSWER and send it to 2233, ang mapipiling home partner ay magwawagi ng isang kutos at tadyak. Sirit na?

Tatlo lang...kasama na yung ngayon..sa mga nakakakilala sakin alam ko mag rereact kayo, pero yung tatlo lang naman talaga eh..Bakit hindi kasama si ganito o si ganyan? Well..yung una, siya yung hindi ko pinili dahil ang pinili ko si Girl # 1, oops yung iba diyan na gets na pero wag mag rereact ha. Yung isa, estudyante ko yun eh..tsaka kaya lang kami umabot sa ganun eh pareho kaming sawi sa pag-ibig..binasted ako ni Girl # 2 nun at siya naman ay kaka break lang sa bf niya..alam na! Next three ay mga best friend ko. Yung isa kasal na kelan lang, yung isa ikakasal sa August at yung huli helloo..may dalawang anak at may asawa na yun..tsaka best friend nga eh, kapag babae ka at tinuring kitang best friend, wag kang umasa na papatulan kita (hahaha kapal ng peys ko no?). Sa wakas..ang tatlong Maria sa buhay ko..bakit silang tatlo lang? Well kasi sa kanilang tatlo ko lang naranasan ang tunay na kahulugan ng "pag-ibig" Si Girl # 1 ay yung instik (pure mehn), siya yung kaunaunahang babaeng naging close ko, kasi nga nung highschool ang bano bano ko sa babae eh, kaya nung college ko lang naranasan ang mabarkada sa babae. Siya ang nagturo sa akin na masarap ang mga babae este masarap sumama sa mga babae (hahaha).Ano ba nangyari samin ni Girl #1? Ayun, ok kami sana eh kaso may nakialam, ayoko sisihin yung pakilamero pero (insert favorite foul word here) siya talaga eh, kasi siya rin ang dahilan kung bakit hindi kami naging in good terms ni Girl # 2. Anyway, matagal na yun at nakapag move on na ako, pero tuwing nakikita ko ang pagmumukha nung kupal na pakilamero eh hindi ko maiwasan ang mag flashback ala Chuck. Nasaan na ba si Girl # 1 ngayon? Ayun nasa ibang bansa na siya...may iba ng mahal.. Next si Girl # 2 ang babaeng nakapag patibok ng puso ko nung una akong nagtrabaho, Yung mga estudyante ko sa AMA alam na hehehe...Si Girl # 2 naman ang nagturo sakin na dapat pinaglalaban mo ang pag ibig mo. Bakit ko nasabi yun? Kasi hindi ko siya napaglaban eh...Tinanong ako ng close friend niya kung nanliligaw ba ako, ako naman aanga anga sinabi ko hinde kasi sabi ko hindi considered pa yun as panliligaw. Ayun, simula nun badshot na ako sa kanya, sinamahan pa ng kakupalan nung pakilamero kaya lalo ng naging magulo ang lahat. Ano na kami ngayon? WALA! As in nagpalit na siya ng number, tinanggal niya connection namin sa Friendster, naka invisible siya sakin sa YM at ang malupet, tingin na nya sa akin eh isang manyak na stalker...saklap nun no? Simula nun ayaw ko na..sabi ko sa sarili ko ganun at ganun ang mangyayari sa akin..eh nakilala ko si Girl # 3..nag iba ang perception ko sa babae..ewan ko ba..ungas yun eh..sa totoo lang basted na ako sa kanya..kasi ayaw niya sa akin...hindi pa siya handa umibig ulit..pero bakit masaya ako? Kasi sa kanilang tatlo, siya lang ang ka close ko parin hanggang sa ngayon, wala lang sa kanya kung bumabanat ko paminsan minsan ng kung ano ano, saya no? Tsaka ako lang daw sa ngayon ang nakakapag pasaya sa kanya. Pero hanggang kelan kaya kami ganito? Darating ang panahon at makakhanap na siya ng taong mamahalin niya, ang taong magpapa ibig ulit sa kanya...at ano mangyayari sa akin? Siyempre bye bye na...pero balik tayo sa tanong..bakit masaya parin ako? Kasi...masaya ako kapag nandyan siya, masaya ako kapag kausap ko siya...dumating man ang araw na matapos na ang lahat, at least, naging masaya ako kasama siya..at bawat nalalabing araw eh papahalagahan ko...pag-ibig nga naman....

No comments: