Sunday, March 07, 2010

Isa ka bang 1st BU?


Ano ba ang 1st BU? Ang Tsukiden kasi eh kinakatawan ng tatlong BU o Business Unit. 1st BU ay may CP (Communications Platform) at CA (Communications Application). Ang 2nd BU ay may International at Local clients, nandito rin ang mga dating Infrastructure. Ang 3rd BU naman ay may tie-up with Denso. Ano ba pinagkaiba ng 1st BU sa ibang BU? Basahin ng malaman.

1. Kilala sa mga makulit at mabongang performance na siguradong gugulat sa lahat

Sa katatapos lang na company outing...Ra ra a a a roma roma mama..alam na!

2. Hindi papatalo sa trash talk.

Asarin niyo na ang lahat wag lang ang 1st BU kung ayaw niyong umiyak

3. Very well coordinated

Mula sa pakain hanggang sa pagbili ng pare parehong costume wala ng mas magaling diyan kundi ang 1st BU. Kahit nga sa pagsagot ng online survey eh maasahan mo ang 1st BU.

4. Sama sama sa inuman

Nasa 1st BU na ata ang mga beterano sa inuman. Umaabot hangagang madaling araw sa inuman! Nakakagawa ng paraan para matuloy ang inuman. Tagay lang ng tagay!

5. Mga tunay na kaibigan

Sabi nila ang tunay na kaibigan sinasabi ang katotohanan sayo. Sa 1st BU hindi uso ang plastikan at kung may hindi man pagkakaunawaan ay napag uusapan naman (see number 4 for details). Dito ko naramdaman na ang mga bossing mo ay hindi mababa ang tingin sayo, bagkus, para silang mga tatay, nanay, ate at kuya na tutulong sayo sa iyong mga problema.


Sa kasawiang palad, huling beses ko ng kapiling sila kanina sa outing, dahil bukas ay magsisimula na ako sa 3rd BU. Naging pamilya na ang turing ko sa 1st BU, at tinanggap nila ako kung ano ako at dun ako nagpapasalamat. Pinagmamalaki ko naging parte ako ng 1st BU at kahit nasa kabilang bakod na ako eh mananatiling 1st BU ang first love ko.

I left my heart at 1st BU..

thank you guys for the memories....

No comments: